• rosario2.jpg

 HISTORY

Noong una, ang Rosario ay tinawag na Papandayan 2 na nasasakupan naman ng barangay Papandayan.

Taong 1971 si Ginoong De Mesa bilang Tinyente del Barrio. Sa kanyang pamumuno, napansin ng mga taga Papandayan 2 na sila ay napapabayaan at wala man lamang nararamdamang pagunlad sa kanilang lugar. Kung kaya’t napagkaisahan ng mga residente ng Papandayan 2 na iparating sa noo'y Kagawad Reyes ang kanilang hinaing na kung maaari ay maihiwalay ang Papandayan 2 at si Kagawad Reyes ang maging kanilang Tinyente del Barrio. Ang hinaing at kahilingan ng mga taga Papandayan  2 ay ipinarating ni Kagawad Reyes sa konseho ngunit ipinagwalang bahala ito. Dahil sa pangyayaring ito ay ipinarating ng kagawad ang kahilingang ito sa noo’y Punong Bayan Madrid. At sinabi ng Punong Bayan na kailangang makapagpapirma ang kagawad ng 500 katao bilang pagpapatunay na may sapat na bilang ng populasyon upang makapagsarili ang isang barrio. Nakalap ng kagawad ang kinakailangang 500 lagda.

Taong 1972 inihalal ng tao si G. Filemon Reyes bilang Tenyente del Barrio ng bagong hiwalay na barangay. Tinawag nila itong Duhatan, hindi nagtagal, pinalitan ito at tinawag na Sto. Rosario nahango sa patron na si Sto. Rosario. Sa paglaon ng panahon, tinawag na langit ang Barangay Rosario na hinango naman sa apelyido ng mga naunang nanungkulan sa barangay. Ang R – para sa Reyes, ang O – para sa Ondoy, S – para sa Sadiwa, A – para sa Abainza, R – para sa Rellin, I – para sa Ilao at O – para sa Upao. Sa taon ding ito ipinagtibay ang pangalan ng barangay Rosario.

Ang sumunod na nanungkulan ay si Kapitan Torobio Zapata, marami ring naipagawang proyekto ang nasabing kapitan. Isa nadito ang pagkakaroon ng elementary school. Sumunod ay si kapitan Marte. Ipinagpatuloy nito ang mga proyektong naiwan ng dating kapitan. Sinundan naman ito ng panunungkulan ni Kapitan Serdeña, maganda rin ang naging panunungkulan nito bilang kapitan ng barangay at naipagawa niya ang mga kalsada at pagpapailaw sa lansangan.

Taong 2002 pinalad na maging Punong Barangay si Exequiel N. Rioveros, sa kanyang panunungkulan na ipasemento niya ang mga kalsada ng barangay, streetlights, napailawan din niya ang sitio Isok 2, nakapagpagawa ng basketball court at outpost para sa mga barangay tanod, nakabili ng mga kagamitan sa barangay hall, nakapagpagawa ng spillway at open canal. At isa sa pinakamalaking naipagawa niya sa kanyang panunungkulan ay ang 2-storey Barangay Hall, gayundin ang road concreting, natapos ang kanyang termino ng taong 2012.

Taong 2013 ng magkaroon ng halalan, dahilan sa last term na ng dating kapitan kaya't napalitan ito ng bago sa katauhan ng dating kagawad na si Ginoong Tobias Mangaring, na siyang pinalad na manalo sa nakaraang halalan 2013. Sa unang taon ng kanyang pamumuno ay ipinagpatuloy niya ang mga proyektong naiwan ng dating kapitan. Ipinagawa ni kapitan ang barangay signage, ang tiles ng barangay hall, nagpatakid dn siya ng streetlights, road concreting ng Dao, Sta. Clara, Isok 1, open canal mga pathway at marami pa siyang nakalinyang proyekto na ipagagawa upang mapaunlad ang Barangay Rosario.

Ang barangay Rosario ay nahahati sa pitong sitio, ito ay ang mga sumusunod: Sitio Dao, Sitio Pag-Asa, Sitio Centro, Sitio Sta. Clara, Sitio Isok I at Sitio Isok II. Ang barangay ay nagdiriwang ng kapistahan tuwing ika – 27 ng Oktobre.

 

Login Form